Pagtatagpo sa Kabilang Dulo (Poem)

Pagtatagpo sa Kabilang Dulo

Alay sa mga Desaparecidos

ni Ipe Soco*

Ang pagtatagpo ay walang takdang panahon.

Ang kabilang dulo ay walang lunan.
Hindi ito langit, purgatoryo
o kawalan.
Ikaw at ako;
tayo ang kabilang dulo.
Tayo ang magpapasya sa pagtatakda ng panahon;
ang lilikha ng daan;
ang magpapaningas ng sulo at gagabay;
ang magmamarka at lilikha ng tipanan.
At kung kailan sila tatagpuin,
nasa atin ang kapasyahan.

Hihinihintay nila tayo,
hindi tayo ang maghihintay sa kanila.
Hindi totoong wala silang iniwang bakas,
pagkat tayo ang mga buhay na bakas.
Sila ang muog.
Ikinalat nila ang muog.
Sila ay naging muog.
Nalikha na nila ang kanila,
tayo naman ang lilikha.
Para mag-iwan ng bakas,
at bumuo ng panibago.

Walang katapusang siklo?
Marahil.
Marahil rin sa hindi.
Ang paglalayag ay digma;
bawat paglalayag ay may patutunguhan,
ang digma ay hindi tumitigil,
lamang, kumakalma.
At ang iniwang bakas
at ang nalikhang muog?
Sila ang magpapatunay
at magsasabing,
“Dito. Hanggang dito
umusbong ang pagpapalaya.”

Note

Ang tulang ito ay nailathala bilang bahagi ng koleksyong Pagtatagpo sa Kabilang Dulo: Panitikang Testimonial ng Desaparecidos (2009). Ang may-akda ay anak ni Gloria Soco na dinukot ng militar sa boundary ng probinsya ng Quezon at Bicol noong Hunyo 26, 2006.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s