Isulong ang rebolusyunaryong tradisyon ng Katipunan at Kabataang Makabayan! Ipagpatuloy ang ‘di tapos na laban para sa pambansang demokrasya’t kalayaan!

Ipinagdiriwang natin ngayong araw ang rebolusyunaryong tradisyon, militansya at katapangan ng mga kabataang Pilipino. Simula’t sapul, inspirado at tinatanglawan ng sulo nina Gat Andres Bonifacio at iba pang mga kabataang kasapi ng Katipunan at ng Kabataang Makabayan ang ating pagsusumikap na ipagpatuloy ang ‘di pa natatapos na laban para sa tunay na pambansang demokrasya at kalayaan.

Ngayong araw ang ika-148 kaarawan ng dakilang bayani mula sa proletaryado na si Andres Bonifacio. Sa kasagsagan ng kanyang kabataan, namuno siya sa lihim na Katipunan at nagmobilisa ng mamamayan para sa Rebolusyong Pilipino ng 1896. Kumilos si Bonifacio kasama ang buong sambayanan sa armadong pakikibaka at ipinagtagumpay ang rebolusyong dumurog sa kolonyalismong Espanyol.

Naging modelo si Bonifacio ng rebolusyunaryong militansya ng mga kabataang Pilipino at ng mga tagapagtaguyod ng pambansang demokrasya.

Read Isulong ang rebolusyunaryong tradisyon ng Katipunan at Kabataang Makabayan! Ipagpatuloy ang ‘di tapos na laban para sa pambansang demokrasya’t kalayaan!

About karlo mikhail

Karlo is a bibliophile, youth activist, flaneur, literature graduate, and citizen media advocate. A former student council leader and school paper editor, he is presently the Panay Regional Coordinator for Kabataan Partylist.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s